^

Probinsiya

32 dakma sa drug den

- Ni Alex Galang -

ZAMBALES  ,Philippines – Tinatayang aabot sa 32-katao ang dinakma ng pinagsanib na pwersa ng Zambales provincial police office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 3 matapos salakayin ang sinasabing drug den sa Barangay Calapacuan sa bayan ng Subic, Zambales kahapon ng umaga.

Armado ng search warrant na inisyu ni Judge Roel Samonte ng Zambales Municipal Trail Court ay sinalakay ng grupo ni Agent William Dulay ang kuta ng mga drug pusher sa Purok 6-A Bracera Steet sa nasa­bing barangay.

Kabilang sa mga na­dakip ay sina Manuel “Undo” Singson, 52, na sinasabing notoryos shabu supplier; at Michael Paulo, 34, ng Barangay Sta. Rita, Olongapo City.

Samantala, nakatakas naman ang notoryus na drug pusher na si Jordana “Dudang” Inok.

Nakumpiska ang ilang plastic sachet na naglalaman ng shabu at mga drug paraphernalia na aabot sa P25,000 halaga.

Sa pahayag ni PDEA Region 3 Director Roybel Sanchez, matagal na nilang minomonitor ang illegal drug activities ni Singson at grupo nito na sinasabing inaangkat ang shabu mula sa Cavite at dadalhin sa pantalan ng Subic bago ikakalat sa Zambales at Olongapo City.

vuukle comment

A BRACERA STEET

AGENT WILLIAM DULAY

BARANGAY CALAPACUAN

BARANGAY STA

DIRECTOR ROYBEL SANCHEZ

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JUDGE ROEL SAMONTE

MICHAEL PAULO

OLONGAPO CITY

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with