UPLB stude robbery slay lutas na
MANILA, Philippines - Nalutas na ng mga awtoridad ang kaso ng panghoholdap at pagpatay sa estudyante ng University of the Philippines -Los Baños na si Ray Bernard Peñaranda matapos na sumuko ang isang suspek kamakalawa ng gabi at maaresto naman ang isa pa kahapon ng tanghali, ayon sa opisyal kahapon.
Ayon kay Laguna Provincial Police Office director P/Senior Supt. Gilbert Cruz, sumuko na ang suspek na si Tyrone Kenney Terbio, 19, ng Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna kung saan itinanggi nito na siya ang sumaksak sa biktima.
Samantala, ang isa pang suspek na si Carl Dactil de Guzman, 26, ay nasakote naman sa inilatag na raid sa Purok 4 , Barangay Tagas, Daraga, Albay.
Ayon naman kay PNP spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., inamin naman ni Terbio na nagtago siya sa Antipolo City, Rizal matapos na mapatay ang biktima.
Si Terbio ay una nang ikinanta ng nasakoteng suspek na si Joseph “Zeppo” Beltran na siyang sumaksak kay Peñaranda, 19, matapos nila itong holdapin sa tapat ng gate ng campus ng unibersidad .
Sinasabing si Beltran ang nagsilbing lookout nina de Guzman at Terbio sa nasabing krimen.
Itinurn-over naman si Terbio sa kustodya ng Laguna PNP at isusunod na rin si de Guzman kaugnay ng warrant of arrest laban sa mga ito sa kasong robbery with homicide.
- Latest
- Trending