Barangay chairman dinukot

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang barangay chairman sa bayan ng Parang, Sulu kamakalawa ng hapon. Lumilitaw na pauwi na si Chairman Rodimar Tingkahan, 35, ng Barangay Poblacion nang harangin ang kanyang sasakyan pagsapit sa bahagi ng Barangay Sapah Malaum. Walang nagawa ang biktima matapos kaladkarin ng 12 mga armadong lalaki.

Show comments