^

Probinsiya

Truck nag-dive sa ilog: 3 lunod

- Nina Joy Cantos at Victor Martin -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nalunod na ang tatlong kalalakihan na napaulat na nawawala matapos na mag-dive ang sinasakyang truck sa ilog sa Tuguegarao City, Cagayan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nawawalang biktima  na sina Arnold Desiar, Jay-Ar Lacsina at isang tinukoy lamang sa alyas Mayo.

Lumilitaw na bumabagtas sa tulay ng Pinacanauan River ang Isuzu Elf truck (WST 172) ni Ismael Soriano nang maganap ang trahedya.

Nabatid na umapaw ang tubig sa ilog kaya nahulog ang trak at tuluyang ta­ngayin ng malakas na agos.

Nagawa namang makaligtas ng driver at ng isa sa mga pasahero nitong si Alejandro Agdepa pero nilamon ng tubig ang tatlo.

Ang truck ay mula sa Maynila at patungo sana sa Tuguegarao City para mag-deliver ng safety vault sa sangay ng Pag-ibig nang makasalubong ang trahedya bandang alas-4 ng madaling-araw.

vuukle comment

ALEJANDRO AGDEPA

ARNOLD DESIAR

ISMAEL SORIANO

ISUZU ELF

JAY-AR LACSINA

KINILALA

LUMILITAW

MAYNILA

PINACANAUAN RIVER

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with