^

Probinsiya

3 mag-uutol patay sa sunog

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay ,Philippines  – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng tatlong magkakapatid na bata makaraang makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Sitio Embudo, Barangay Hamorawon sa bayan ng Milagros, Masbate kahapon ng umaga.

Kabilang sa magkakapatid na nasawi ay sina Ivan Alba, 4; Marjorie Alba, 2; at si Iza Alba, 10-buwang gulang.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Romeo Rosero, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga kung saan ang magkakapatid ay naiwanan ng kanilang mga magulang na sina Teodoro at Josephine sa loob ng kanilang bahay na nagtungo sa taniman.

Gayon pa man, nagimbal ang mga kapitbahay na umuusok na at nagliliyab ang boung kabahayan ng pamilya Alba.

Hindi na magawang mailigtas ng mga kapitbahay ang tatlong magkakapatid dahil sa lakas ng apoy.

Pinaniniwalaang naiwanan ng mag-asawa na may apoy ang kalan na pinaglutuan kung saan nagmula ang apoy na kumitil sa buhay ng magkakapatid.

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY HAMORAWON

CHIEF INSP

GAYON

IVAN ALBA

IZA ALBA

KABILANG

MARJORIE ALBA

ROMEO ROSERO

SITIO EMBUDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with