^

Probinsiya

Trak nag-dive sa bangin: 6 todas, 22 sugatan

- Nina Victor Martin at Joy Cantos -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya ,Philippines  – Anim-katao ang iniulat na nasawi habang 22 iba pa ang nasugatan matapos mag-dive ng mini-dump truck sa malalim na bangin sa Maharlika Highway, Barangay Puncan sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.

Ayon kay P/Chief Ins­pector Rey Tulinao, hepe ng Diadi PNP kinilala ang anim na nasawi na sina Barangay Chairman Lawrence Gahal, Zuchie Dulnuan, Lita Nagsagaray, Teresita Abon, Josephine Jallorina, at si Rosa Lunag na pawang mga nakatira sa bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya.

Samantala, ang 22 na iba pang pasahero ng dumptruck ay isinugod sa San Jose City Hospital sa Nueva Ecija.

Napag-alaman na dakong alas-3 ng hapon nang mahagip ng truck (SF1 528) ang trailer truck (ZKE 391) kaya nawalan ng control sa manibela ang driver hanggang sa mahulog sa bangin sa bahagi ng Sitio Tactac sa nabanggit na barangay.

Ang mga pasahero ng mini-dump truck ay pawang mga miyembro ng Diadi Abot Palad Association na pauwi sana sa bayan ng Diadi mula sa fieldtrip sa Pangasinan.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang dri­ver ng trailer truck na na­kilalang si Gilbert Alarcon na tumakas at iniwan ang sasakyan matapos makita ang sakuna. (Dagdag na ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN LAWRENCE GAHAL

BARANGAY PUNCAN

CHIEF INS

CHRISTIAN RYAN STA

DIADI

DIADI ABOT PALAD ASSOCIATION

GILBERT ALARCON

JOSEPHINE JALLORINA

NUEVA ECIJA

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with