3 katao utas sa ambush

KIDAPAWAN CITY, Philippines  – Tatlo-katao ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Simsiman sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Inspector Donald Cabigas, hepe ng Pigcawayan PNP, ang mga napatay na sina Rolando Suarez, Leo John Collados, at si Miguel Eramis na pawang mga nakatira sa Barangay Villarica, Midsayap, North Cotabato. Ayon sa police report, pauwi na ang mga biktimang magkakaangkas sa motorsiklo nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan pagsapit sa nasabing barangay. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong clan war ang isa sa motibo ng pamamaslang.

Show comments