Coed pisak sa trak

CAVITE, Philippines  - Isang 19-anyos na college student ang iniulat na nasawi matapos mahagip ng sasakyan at magulungan naman ng trak sa Aguinaldo Highway sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng umaga. Agad na nasawi ang biktimang si Janine Manguera, ng Barangay Malabag matapos masagasaan ng trailer truck (PMS-970) ni Ruel Cataquiz. Bandang alas-6 ng umaga habang papatawid sa kalsada ang biktima patungong school nang mahagip ng van. Sa halip na tumigil ay tumakas ang driver ng van habang naiwan naman ang biktima na hindi pa ganap na nakakabangon nang masagasaan naman ng trak ni Cataquiz.

Show comments