P14.7M pabahay sa nasunugan

ZAMBALES, Philippines - Agad na tumugon ang lokal na sangay Department of Social Welfare and Development sa kahilingan ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr. 200 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog matapos maglaan ng pondong P14.7 milyon para sa pabahay sa mga nasunugan sa Sitio Ma­talvis, Barangay Inhobol sa bayan ng Masinloc, Zambales noong Linggo. Ang paglalaan ng financial assistance ay ipinag-utos ni DSWD Sec. Dinky Soliman kay Maura dela Rosa, DSWD assistant regional director for Luzon, kung saan ang budget ay ipapambili ng mga housing materials upang mu­ling makapagtayo ng mga bahay. Kasunod nito ay mu­ling namahagi ng relief goods partikular ang inu­ming tubig, banig, kumot at kulambo sa kautusan na rin ni. Gov. Ebdane. Siniguro rin ng gobernador na mabibigyan ng permanenteng relocation site ang mga naapektuhan ng sunog.

Show comments