Rapist ng coed arestado

NUEVA ECIJA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 26-anyos na holdaper/rapist ng kolehiyala matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya sa San Jose City, Nueva Ecija kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Marvelous Palos y Mejia, tricycle driver, ng Barangay Sibut, San Jose City. Si Palos ay isinasangkot sa panghoholdap at panghahalay sa isang kolehiyala sa madilim na bahagi ang Barangay Tulat noong Sabado ng gabi (Peb. 25) Nagpapasalamat ang mga kaanak ng biktima sa kapulisan ng San Jose City partikular kina SPO2 Roderik Tomas at SPO1 Melissa Eusebio sa pagkaaresto sa suspek.

Show comments