Engineer ipinabulagta

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ang officer-in-charge provincial engineer  at driver nito matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tacloban City, Leyte kamakalawa ng gabi. Nakikipagbuno kay kamatayan sa ospital ang biktima na si Engineer Ro­bert Lugnasin  at driver nitong hindi natukoy ang pangalan. Sa ulat ni P/Senior Supt. Wilson Caubat na nakarating sa Camp Crame, pauwi na ang mga biktima sa Cristina Heights Subdivision nang harangin at ratratin bandang alas- 6:30 ng gabi. Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang gunmen patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Habang patuloy naman ang imbestigasyon. 

Show comments