'Palikerong' forklift operator pinabulagta

BULACAN ,Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 38-anyos na forklift operator na sinasabing may kasamang babae sa sasakyan matapos ratratin ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Iba, Meycaua­yan City, Bulacan kahapon ng umaga.

Pitong bala ng cal.45 pistol ang tumapos sa buhay ni Edwin Bagasbas ng The Dynamic Triple-C Corp. at nakatira sa Barangay Assumption, Sapang Palay sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Leo­poldo Estorque, ihahatid sana ng biktima ang babaeng telephone ope­rator na kasamahan sa trabaho lulan ng service vehicle (CNR-943) nang lapitan at pagbabarilin pagsapit sa may umbok na kalsada.

Apat na bala ang tumama sa biktima kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela saka sumalpok sa poste ng kuryente.

Humabol pa ang gunman saka muling pinaputukan ng tatlong ulit para masigurong patay ang target habang sinisilip ng pulisya ang anggulong love triangle ang isa sa motibo sa pamamaslang.

Show comments