2 trak vs trike: 4 utas, 13 sugatan

MANILA, Philippines - Apat-katao ang iniulat na nasawi habang 13-iba pa ang nasugatan matapos magbanggaan ang deli­very truck ng gulay at dump truck sa Maharlika  Highway, Barangay Carmen sa bayan ng Rosales, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Freddie Ancheta, Jayson Flores, Rowena Callulena, at si Marijoy Gotlay.

Isinugod naman sa paga­mutan ang mga sugatang sina Elsa Nagtalon, Sheryll Laurenzo, Emil Laurenzo, Marife Larenia, Patricia Laurea, Rafael Villanueva, Blessie Vinluan, Romano Cabantac, at iba pa.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nabatid na ang apat na nasawi at sugatan ay driver at mga pasahero ng traysikel na nakaparada sa gilid ng highway.

Napag-alamang bumabagtas sa highway ang delivery truck ng gulay mula sa Baguio City patungong Maynila nang makabanggaan nito ang dump truck ng buhangin at graba.

Show comments