^

Probinsiya

Aussie hostage inilipat sa Sulu

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang inilipat na Sulu ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang Australian hostage na retiradong sundalong si Warren Rodwell na binihag noong Disyembre 2011.

Ayon sa military commander na tumangging magpabanggit ng pangalan, base sa beripikasyon at impormasyon ng kanilang asset ay negatibo na ang presensya ni Rodwell sa Basilan.

 “Rodwell is nowhere to be found in the hinterlands of Basilan, were his captors is guarding the hostage victim,” ayon sa opisyal base sa kanilang pinakahuling monitoring  sa kalagayan ng hostage.

Si Rodwell inilipat na ng taguan ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama sa Sulu dahil na rin sa pinaigting na presensya ng tropa ng militar sa Basilan.

Una nang humingi ng $ 2 milyong ransom ang grupo ng mga kidnaper kapalit ng kalayaan ni Rodwell matapos ipadala ang video footage nito sa kaniyang pamilya na nagmamakaawa sa kaniyang buhay.

Magugunita na si Rodwell ng Sydney, Australia na sinasabing kasal sa Pinay ay dinukot ng mga armadong kalalakihan sa tahanan nito sa Green Meadows Subd. sa Brgy. Pangi, Ipil, Zamboanga, Sibugay noong Disyembre 5, 2011.

vuukle comment

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

ABU SAYYAF GROUP

AYON

BASILAN

BRGY

DISYEMBRE

GREEN MEADOWS

MAGUGUNITA

RODWELL

SI RODWELL

WARREN RODWELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with