Misis pinagpuputol ang katawan

MANILA, Philippines - Nagsisimulang maagnas ang katawan ng babaeng pinagpuputol saka inabandona sa magkahiwalay na lugar sa Misamis Oriental kamakalawa. Sa ulat ni P/Senior Supt. Graciano Mijares, provincial PNP director, bandang alas-9 ng umaga nang marekober sa bayan ng Laguindingan ang ibabang bahagi ng katawan ng biktima na pinutulan pa ng mga paa. Kinahapunan naman ay sumunod na natagpuan ang itaas na bahagi ng pinutol na katawan ng biktima saka inabandon sa masukal na bahagi ng bayan ng Initao. Ayon sa opisyal ay patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Show comments