2 pinabulagta dahil sa droga

CAVITE, Philippines  – Pinaniniwalaang onsehan sa bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang magkaibigang babae sa bahagi ng Barangay Santiago sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng hapon. Isa sa mga biktimang napatay ay nakilalang si Mabel Tolentino de Castro ng Barangay Dulongbayan, Bacoor habang bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng isa. Nakilala naman ang isa sa dalawang suspek na si Louie Saquiton na nakatakas lulan ng motorsiklo. Lumilitaw na nakatayo ang mga biktima nang lapitan at ratratin.

Show comments