Minero hulog sa balon, utas

CAMARINES NORTE, Philippines – Hindi na nagising ang isang 31-anyos na minero makaraang mahulog sa malalim na balon habang natutulog kamakalawa ng hapon sa Purok 6, Barangay Sta. Rosa sa bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte.

Idineklarang patay sa Jose Panganiban Primary Hospital si Wowie Mendez na nagtamo ng mga sugat sa ulo matapos mahulog sa may 20 talampakang lalim na balon sa minahan.

Ayon sa imbestigasyon, nananghalian ang biktima kung saan nahiga sa upuang malapit sa hukay na pinagmiminahan. Sa hindi inaasahang pagkakataoan ay nahulog sa upuan ang biktima bago gumulong sa malalim na balon.

Show comments