Barangay tanod kinatay

QUEZON, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa isang 34-anyos na barangay tanod na sinasabing ikinuwento ang kanyang mga magagandang nagawa sa kanilang barangay makaraang pagtatagain ng hindi kilalang kainuman sa Sitio Kaganapol, Barangay Cagsiay 2 sa ba­yan ng Mauban, Quezon, kamakalawa ng tanghali.

Hindi na nakauwi at nagtagpuan sa gilid ng ilog ang bangkay ni Randy Pasamba. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa ilang kalalakihan kung saan naikuwento nito ang kanyang mga magagandang nagawa sa kanilang barangay.

Subalit lingid sa biktima ay naiinis na pala ang isa sa kainuman nito kaya inabangan ito saka isinagawa ang pamamaslang.

Show comments