3 todas sa road mishap

URDANETA CITY, Pangasinan, Philippines —Tatlong kabataan ang iniulat na nasawi samantalang isa naman ang nasugatan matapos sumalpok ang motorsiklo sa kasalubong na trak sa kahabaan ng provincial road sa Barangay San Vicente West sa Urdaneta City, Pangasinan noong Martes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Michael Sansano, 21, ng Trancoville, Baguio City; Rochelle Baltazar,17, ng Barangay Camantiles, Urdaneta City; at si Margie Melchor,18, ng Barangay Inamotan, Manaoag, Pangasinan. Samantala, sugatan naman ang drayber ng trak na si Presco Galapon,Jr. ng Gerona, Tarlac. Sa police report, lumilitaw na patungo sa direksyong Silangan ang trak nang makasalpukan ang motorsiklo ng mga biktima.

Show comments