Trike vs bike: 1 utas, 1 grabe

CAVITE, Philippines  – Sumalubong si kamatayan sa isang 34-anyos na factory worker habang malubha naman ang kaangkas nitong kaibigan matapos salpukin ng traysikel ang kanilang motorsiklo kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Tejero sa bayan ng General Trias, Cavite. Namatay sa Divine Grace Hospital si Marvin Climacosa ng Grandriverside Subd. sa Barangay Pasong Camachile habang malubha naman si Avelino Panti, 37, factory worker, ng Biak na Bato, Brgy. Silangan 1, Rosario. Tumakas naman ang drayber ng trike (NK 9505) na si Rolly Dawit ng Purok 5 Barangay Amaya, Tanza, Cavite.

Show comments