24-anyos todas sa bike crash

CAVITE  ,Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa isang 24-anyos na lalaki matapos sumalpok sa poste ng kuryente ang sinasakyang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Barangay Marahan 1 sa bayan ng Alfonso, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Denver Villela ng Barangay Sta. Theresa sa nasabing bayan. Pinaniniwalaang nakainom ng alak ang biktima na sinasabing walang helmet habang nagmomotorsiklo kaya naganap ang insidente.

Show comments