Nagbuwis ng buhay sa kaibigan

CAMARINES NORTE, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang 22-anyos na lalaki matapos sagipin ang kanyang kaibigan na nakuryente sa bayan ng Cabingan, Sorsogon kamaka­lawa. Idineklarang patay sa Gubat District Hospital ang biktimang si Louie Dominico na nagtamo ng 3rd degree burn sa buong katawan. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na kinukumpuni ni Ruben Grate ang linya ng kuryente sa loob ng kanilang bahay nang hawakan nito ang talop na kawad. Gayon pa man, namataan ng biktima ang kanyang kaibigan na nangingisay habang hawak ang talop na linya ng kuryente kaya itinulak niya ito para makabitiw subalit sa kanya pumulupot ang kawad at nagkikisay. Hindi na naisalba ang buhay ng biktima matapos dalhin sa nasabing ospital.

Show comments