^

Probinsiya

Mayor, 6 opisyal kinasuhan sa Sema ambush

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong frustrated murder at 3 counts ng attempted murder ang pitong opisyal ng lokal na pamahalaan ng Cotabato City kabilang ang opisyal ng pulisya kaugnay ng bigong pa­nanambang kay Vice Mayor Datu Muslimin Sema noong Enero 10, 2012 sa highway ng Brgy. Rosary Heights 7 sa Cotabato City.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief P/Director Samuel Pagdilao, kabilang sa mga akusado na kinasuhan sa sangay ng Department of Justice sa Cotabato City ay sina Cotabato City Mayor Japal Guani Jr., mag-asawang Atty. Cynthia  Sayadi, Omar Sayadi, City Councilors Graham  Dumama at Abdilla Lim, Barangay Chairman Amil Sula at si P/Inspector Noel  Gutierrez, ex-deputy station Commander ng Cotabato City na namuno sa pagresponde sa ambush site.

Ang mga suspek ay kinasuhan matapos ituro ng testigo sa imbestigasyon ng Special Investiga­ting Task Group Sema na sinasabing matagal na planong itumba si Sema pero nakaligtas ang bise alkalde.

Ayon sa ulat ng SITG Sema, pulitika ang sina­sabing motibo ng tangkang pagpatay kay Sema na dati na ring nagsilbi bilang 3-term na alkalde sa Cotabato City bago mu­ling tumakbo at nagwaging bise alkalde noong 2010 elections.

Nabatid na planong tumakbong ni Sema bilang alkalde sa 2013 polls kung saan ayon sa testigo ay nagsabwatan ang mga suspek upang paslangin ito dahil isa itong tinik sa kanilang manok sa pagka-alkalde.

Samantala, si Gutierrez na kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay pananagutin naman sa kasong administratibo dahil sa pagtatago ng ebidensya na malaki ang maitutulong sa pagresolba ng kaso.

Nabatid na isang cellular phone ang narekober sa napaslang na gunman na si Zermin Abdullah pero binigyan ng ins­truksyon ni Gutierrez ang kaniyang mga tauhan na huwag na itong banggitin o sabihin kaninuman ni tukuyin sa imbestigasyon kung saan ay kinuha at itinago nito ang cell phone.

ABDILLA LIM

BARANGAY CHAIRMAN AMIL SULA

CITY

CITY COUNCILORS GRAHAM

COTABATO CITY

COTABATO CITY MAYOR JAPAL GUANI JR.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP CHIEF P

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR SAMUEL PAGDILAO

SEMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with