Shootout: 2 karnaper bulagta

MANILA, Philippines - Dalawa-katao na sinasabing notoryus na karnaper ang iniulat na napatay matapos makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa Sitio Taghangin sa bayan ng Morong, Rizal kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Rolando Anduyan, ang isa sa napatay na si Ariel “Leo” Layosa habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa. Batay sa inisyal na ulat, naunang hinarang at tinangay ng dalawa ang motorsiklo ni Leoniel Gonzalez habang kaangkas ang kaibigang si Juan Orlando Martin de Leon sa bisinidad ng Sitio Caingin sa Barangay San Juan. Agad namang nag-ulat sa himpilan ng pulisya ang mga biktima kung saan inilatag ang checkpoint kung saan namataan naman ang dalawa na lulan ng motorsiklong ninakaw. Hindi naman tumigil ang dalawa matapos pahintuin ng pulisya sa checkpoint kaya nagkahabulan at nauwi sa shootout.

Show comments