2 pulis nagbarilan sa presinto
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang nagkabukuhan sa hatian kaya nagbarilan ang dalawang pulis sa loob ng himpilan ng pulisya kung saan kapwa nasa malubhang kalagayan noong Sabado ng gabi sa bayan ng San Agustin, Isabela.
Kapwa nakikipaglaban kay kamatayan sa Adventist General Hospital sa Santiago City ang dalawang alagad ng batas na sina SPO4 Genaro Marquez at SPO1 Melchor Rumbaoa na kap wa nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa nabanggit na bayan.
Lumilitaw na naunang nagkakagirian ang dalawa habang nasa loob ng presinto kung saan pinayapa naman ng kanilang kabarong pulis.
Subalit habang kumakain ang dalawa sa hapag-kainan sa loob ng himpilan ng pulisya, kasama sina PO2 Lagutao, PO1 Alipio at PO1 Dalayap ay hindi na napigilan ang init ng ulo nina Marquez at Bumbaoa na kapwa may kanin pa sa bibig kung saan humantong sa barilan.
Sinisilip din ang anggulong may pinagtalunan ang dalawa kaugnay sa nalalapit na Valentine’s Day.
- Latest
- Trending