^

Probinsiya

Killer ng kabesa, timbog

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya ,Philippines – Dalawang itinuturong sangkot sa pagpatay sa isang barangay chairman sa lalawigan ng Isabela ang nahulog sa kamay ng mga awtoridad, ayon sa ulat kahapon ng pulisya.

 Kinilala ang dalawang nahuling suspek na sina Lito Tacadeno at Freddie Macarilay, kapwa residente ng Angadanan, Isabela.

 Ang pagkahuli ng dalawang suspek ay matapos silang mahulog sa isang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar dahil sa pagdadala ng mga iligal na armas.

 Sa imbestigasyon ng pulisya ay inamin naman umano ng dalawang suspek ang kanilang partisipasyon sa pag-ambush at pagpatay kay John Cu, barangay chairman ng Barangay Marasat Pequeño, San Mateo ng lalawigang nabanggit noong Enero 15 taong kasalukuyan.

 Nakuha sa pag-iingat ng dalawang suspek ang isang .38 caliber revolver at isang hand grenade, kabilang na ang mga pekeng pera na pinaniniwalaang gagamitin sana ng mga suspek para sa kanilang mga iba pang iligal na gawain.

ANGADANAN

BARANGAY MARASAT PEQUE

DALAWANG

ENERO

FREDDIE MACARILAY

ISABELA

JOHN CU

LITO TACADENO

NUEVA VIZCAYA

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with