^

Probinsiya

Bangkay ng titser natagpuan

-

MANILA, Philippines - Nagwakas na ang mahigit tatlong linggong paghahanap sa isang gurong minolestiya at pinaslang sa sakal matapos manlaban sa isang company driver kasunod ng pagkakarekober sa naagnas nitong bangkay na halos buto na sa ilalim ng tulay sa Calamba City, kamakalawa.

Sa phone interview, sinabi ni Calamba City Police Director P/Supt. Joel Permito bandang alas-2 ng hapon ng marekober ang bangkay ng biktimang si Julieta “Baby” de la Cruz, nasa hustong gulang ng BF Homes, Muntinlupa City.

Ayon kay Permito halos hindi na makilala ang bangkay dahilan sa grabeng pagkaagnas nito na nagkapunit-punit pa ang damit ng marekober ng mga awtoridad sa ilalim ng tulay ng Ayala Green Field sa Brgy. Maunong ng lungsod ng Calamba.

Sinabi ng opisyal na nadiskubre ang bangkay matapos ituro ng suspek na si Jonie Ortiz, 41, may-asawa, driver ng San Pedro,­ Laguna ilang oras matapos itong sumuko sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Huwebes.

Nabatid na ang biktima na nagtu-tutor sa isang estudyante malapit sa tinitirhan ng suspek sa San Pedro, Laguna ay naiulat na nawawala noon pang Enero 13 ng taong ito matapos na makisakay sa suspek na nagboluntaryong ihahatid ito sa kanilang tahanan.

Sa presinto, inamin ng suspek na tinangka niyang halayin ang biktima na pinaghihipuan pa nito sa maselang bahagi ng katawan sa loob ng sasakyan kung saan ay nairita umano ito matapos na manlaban ang guro kaya napatay niya sa sakal gamit ang seat belt ng kaniyang minamanehong sasakyan na isang Toyota Grandia (ZNG 172). Isinailalim na sa forensic examination ang nakuhang naagnas na labi ng biktima ayon sa opisyal upang madetermina kung hinalay ito ng suspek.

AYALA GREEN FIELD

AYON

CALAMBA CITY

CALAMBA CITY POLICE DIRECTOR P

JOEL PERMITO

JONIE ORTIZ

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SAN PEDRO

TOYOTA GRANDIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with