^

Probinsiya

Shootout: 2 karnaper tumba

- Ni Mer Layson -

RIZAL, Philippines  – Napaslang ang dalawang lalaki na sinasa­bing mga karnaper makaraang makipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa inilatag na checkpoint sa bayan ng Taytay, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Novie del Rosario  at Jake Buenaventura, kapwa may nakabinbing kaso sa korte kaugnay sa pagtutulak ng bawal na gamot at pagnanakaw.

Sa police report na nakarating kay Rizal PNP director P/Senior Supt. Rolando Anduyan, ang mga suspek ay positibong itinuro ng ­ne­gosyanteng si Randy Espiritu na umagaw ng kanyang motorsiklo (NI-5551) noong Enero 31 sa  Barangay San Juan.

Bago maganap ang shootout, ay namataan ni Espiritu ang kanyang motorsiklo na lulan ang mga suspek kaya agad nitong itinimbre sa himpilan ng pulisya.

Kaagad naman naglatag ng checkpoint ang pulisya sa mga exit point sa nasabing bayan kung saan namataan naman ang dalawa sa kahabaan ng  Velasquez Street sa Bangiad, Barangay San Juan.

Tinangkang parahin ng mga pulis ang motorsiklo su­balit pinaputukan sila ng backrider na si Del Rosario.

Dito na gumanti ang mga pulis hanggang sa mapatay ang motorcycle-riding gunmen.

vuukle comment

BANGIAD

BARANGAY SAN JUAN

DEL ROSARIO

JAKE BUENAVENTURA

RANDY ESPIRITU

RIZAL

ROLANDO ANDUYAN

SENIOR SUPT

VELASQUEZ STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with