P.5M nalimas sa 2 Fil-Am
CAMARINES NORTE, Philippines - Umaabot sa P.5 milyong cash at mahahalagang gamit ang natangay ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang mula sa mag-asawang Fil-Am sa Mother Francisca Street. Ateneo Avenue sa Barangay Bagumbayan Sur, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang natangayan ng malaking halaga na sina Leonel at Yolanda Martinez na pawang balikbayan at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar. Base sa police report, pinasok ang bahay ng mag-asawa matapos wasakin ang sliding glass window sa bahay na may apat na palapag. Nalimas sa mag-asawa ang P.4 milyong cash at ilang mamahaling gadget tulad ng video camera, at cell phones.
- Latest
- Trending




















