6 karnaper arestado
MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng anim na miyembro ng notoryus na carnapping gang matapos maaresto ng pulisya habang nagbebenta ng nakaw na motorsiklo sa bahagi ng KM 4 Pico sa bayan ng La Trinidad, Benguet kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PNP-Highway Patrol Group Director Leonardo Espina ang mga suspek na sina Augusto Tabara, 32; John Gregory Paltikan, 31; Ranil Gundangan, 19; Edmond Acko, 21; AJ Leomhell Ngateg, 19; at si John Pasion.
Base sa report ng HPG-Cordillera, nakipag-deal sa poseur buyer ang mga suspek para sa bentahan ng mga motorsiklo (UQ 3684) at scooter (IB 1187).
Sa beripikasyon ng pulisya, lumilitaw na ang mga motorsiklo ay ninakaw ng grupo noong Enero 12 at 28, 2012 mula sa may-ari na si Alfred Pudsoc ng Pinsao Proper, Baguio City.
Nabatid na maliban sa pagnanakaw ng motorsiklo ay sangkot din ang mga suspek sa pagnanakaw ng mamahaling sasakyan.
- Latest
- Trending




















