4 nahulog sa truck, tumba

MANILA, Philippines - Apat-katao kabilang ang dalawang estudyante na nakiangkas lamang sa dump truck ang iniulat na nasawi makaraang mahulog dahil sa pagkakasalpok sa traysikel at bahay sa gilid ng highway sa Barangay Telaje, Tandag City, Surigao del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang apat na sina Cornelia Mocay, Sherly Acevedo, Jerome Dominguez at Roberto Gabe Jr. habang naisugod naman sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center ang mga na­sugatang sina Joseph Ramirez, Julius Vellescas at ang driver ng berdeng dump truck (GNG 378) na si Virgilio Corlit.

Sina Dominguez at Gabe ay kapwa 3rd year sa Jacinto Elpa High School sa Tandag City.

Napag-alamang nakisakay ang mga biktima sa ibabaw dumptruck na kargado ng buhangin nang salpukin nito ang traysikel at isang bahay matapos mawalan ng preno.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon mula sa ibabaw ng truck ang mga biktima kung saan lumagapak sa sementadong highway.

Show comments