Mag-asawang trader itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang mag-asawang negosyante matapos pagbabarilin ng motocycle-riding gunmen sa highway ng Rosary Heights 6, Cotabato City kamakalawa ng umaga. Sa phone interview, kinilala ni Cotabato City Police Director P/Senior Supt. Danny Reyes ang mag-asawang sina Muddin Abu Kali at Racman Kali. Lumilitaw na magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa nang ratratin kung saan tumilapon sa kanilang sinasakyan. Bago tuluyang nagsitakas ay muling pinagbabaril ang mag-asawa para masigurong patay saka mabilis na tumahak patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Narekober naman sa crime scene ang 24 basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments