Misis nabaril ni mister, dedo

MANILA, Philippines - Isang 47-anyos na misis ang iniulat na namatay matapos mabaril ng kaniyang asawa sa gitna ng mainitang pagtatalo sa kanilang tahanan sa Barangay Cogon sa bayan ng Malinao, Aklan noong Bi­yernes ng gabi.

Isang tama ng bala sa tiyan ang tumapos sa buhay ni Loma Cipriano Ibunes kung saan idineklarang patay sa Dr. Rafael S. Tombokon Medical Hospital.

Samantala, nahaharap naman sa kasong parricide ang suspek na si Violito I­bunes, 59, na nakumpiskahan ng homemade shotgun.

Sa police report ni P/Senior Supt. Cornelio Defensor, lumilitaw na umuwi ang biktimang lango sa alak at galit na kinuha ang sumpak para lumabas uli matapos na may makaaway.

Gayon pa man, nagtalo ang mag-asawa hanggang sa pilit na agawin ng biktima ang baril hanggang magpangbuno ang mga ito sa pag-aagawan sa shotgun.

Dito naman pumutok ang baril kung saan tumama sa tiyan ng misis.

Sising alipin naman ang mister matapos itong mahimasmasan sa kalasingan sa pagkakapatay sa kaniyang asawa.

Show comments