^

Probinsiya

P50-M gamit-medikal nakatakdang ipamahagi

- Ni Alex Galang -

IBA, Zambales, Philippines  — Maga­gamit na ng mga residente ng Zambales ang mga moder­nong kagamitan na duma­ting noong Martes dito sa provincial hospital sa ilalim ng health care modernization program ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr.

Kabilang sa mga medical equipment na nakatakdang ipamahagi sa Pres. Ramon Magsaysay Memorial Hospital ay ang CT-scan machine, X-ray machine at ultrasound imager upang mabigyan ng mas maayos at mas murang serbisyo ang mga pasyente.

“Ngayon, hindi na kaila­ngang magpunta pa sa Maynila o Olongapo ang mga pasyente, lalung-lalo na ang mga mahihirap na­ting kababayan,” pahayag ni Ebdane.

Ayon kay Himex senior vice president and chief financial officer Rema Padilla-Ohno, ang mga nabanggit na medical equipment ay ipinagkaloob ng Japan matapos pirmahan ni Ebdane ang kasunduan sa pagitan ng panlalawigang pamahalaan at High Integrated Medical Engineering Exponent Corporation, Inc. (Himex) na sasagot sa installation, operation at maintenance.

Para makabawi ang Himex, magkakaroon naman ito ng 50-porsyentong bahagi sa kokolektahing service charge para sa paggamit ng mga bagong makina para sa CT-scan, X-ray at ultrasound.

“Ngayon lang sa pag-upo ni Gov. Ebdane na na­ging prayoridad ang health care services at naging puspusan ang pagdadala ng serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan sa lalawigan,” pahayag naman ni Dr. Raulin Dadural, provincial health officer.

DR. RAULIN DADURAL

EBDANE

HERMOGENES EBDANE JR.

HIGH INTEGRATED MEDICAL ENGINEERING EXPONENT CORPORATION

HIMEX

NGAYON

RAMON MAGSAYSAY MEMORIAL HOSPITAL

REMA PADILLA-OHNO

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with