^

Probinsiya

Onsehan: drug user itinumba

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines – Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 21-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Masin Norte, Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si Niel Sorela ng nabanggit na barangay.

Ayon kay SPO3 Menardo del Mundo, dakong alas-6:00 ng gabi ay namamasada ng traysikel ang biktima nang umalingaw­ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Duguang bumulagta ang biktima matapos mapuruhan sa katawan habang tumakas naman ang gunmen patungo sa direksyon ng Tiaong, Quezon.

Ayon sa police report, wala namang nakakaalitan ang biktima subalit guma­gamit ng bawal na droga.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong onsehan sa bawal na droga ang isa sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

AYON

BARANGAY MASIN NORTE

CANDELARIA

DUGUANG

MAAGANG

MAHARLIKA HIGHWAY

MENARDO

MUNDO

NIEL SORELA

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with