^

Probinsiya

2 lider ng NPA arestado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Kalaboso ang dalawang lider ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang madakma ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi.

Pormal na sumasailalim sa tactical interrogation sa Camp Nakar ang mga suspek na sina Fidel Holanda na gumagamit ng mga alyas Rocky/Susing/Jokay, secretary ng kilusan; at Erwin Casiño, lider sa Southern Tagalog. Sa inisyal na ulat ni Col. Generoso Bolina, spokesman ng AFP Southern Luzon command, naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Diversion Road sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court ng Gumaca sa kasong murder.

Narekober sa dalawa ang 8-piraso ng improvised explosive device (IEDs), anti-personnel explosive, 4 cellphone, laptop, subersibong dokumento, at ilang personal na gamit.

CAMP NAKAR

DIVERSION ROAD

ERWIN CASI

FIDEL HOLANDA

GENEROSO BOLINA

GUMACA

LUCENA CITY

NEW PEOPLE

REGIONAL TRIAL COURT

SOUTHERN LUZON

SOUTHERN TAGALOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with