^

Probinsiya

72 piraso ng pinutol na puno, inabandona ng illegal loggers

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE ,Philippines  — Sa kabila ng sunud-sunod na trahedya na nagaganap sa bansa na ang ugat ay ang illegal logging, hindi pa rin mapigilan sa lalawigan ng Camarines Norte ang talamak na illegal logging sa mga bayan ng Basud, Mercedes, Capalonga at Jose Panganiban. Kamakalawa hindi na naabutan ng mga awtoridad at mga miyembro ng Philippine Army ang mga responsable sa pamumutol ng mga punongkahoy sa kabundukan sakop ng Brgy San Isidro, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Nabatid na habang nagsasagawa ng clearing operation ang PNP at Philippine Army sa bahagi ng Purok 7 ng nasabing barangay para sa isang medical at dental mission, nadiskubre ang umaabot sa 72 pirasong mga pinutol na kahoy na nakatakda na sanang ikarga sa hinihintay na sasakyan subalit nang maispatan ang mga awtoridad ay agad itong inabandona   sa lupang pag aari diumano ni Gerry Mendenilla. Walang makapagturo kung sino ang nagmamay-ari ng mga kahoy na iligal na pinutol sa bulubunduking lugar ng Jose Panganiban.

Kamakailan lamang isang nagngangalang Avelino Zapanta, 34 , ng Brgy. Tuaca bayan ng Basud ang inaresto makaraang maaktuhan nagsasagawa ng pamumutol ng punongkahoy sa loob ng Bicol National Park habang mabilis namang nakatakas ang dalawang kasamahan nito na sina Edgar Rada at Berto Ibeas. Umaabot sa halagang P.5-M ang halaga ng naputol na kahoy ayon sa tanggapan ng DENR. 

AVELINO ZAPANTA

BASUD

BERTO IBEAS

BICOL NATIONAL PARK

BRGY SAN ISIDRO

CAMARINES NORTE

JOSE PANGANIBAN

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with