^

Probinsiya

Drug pusher dedo sa shootout

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY ,Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang pinaghihinalaang drug pusher matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng Intelligence Unit ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team sa Brgy. Cotta ng lungsod kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Supt. Ramon Balauag, Chief of Police dito, nakilala ang napaslang na si Charlie Espenilla, alyas Epoy, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon nina PO2’s Randy Buenaventura at Miljun Magadia, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Sr. Insp. Timoteo Orig ng Intelligence Unit kaugnay sa nagaganap na bilihan ng ipinagbabawal na droga sa Purok Masagana ng Brgy. Cotta dakong alas-3:10 ng madaling raw. Nang aarestuhin ng mga awtoridad ang suspek ay bumunot ito ng isang kalibre 38 at pinaputukan ang papalapit na mga pulis. Doon na gumanti ng putok ang mga awtoridad at nasapol ang suspek habang nakatakas naman ang hindi nakilalang lalaki na hinihinalang kasama nito.Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang 15 piraso ng plastic sachet namay lamang shabu, ilang cash at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

BRGY

CHARLIE ESPENILLA

CHIEF OF POLICE

INTELLIGENCE UNIT

MILJUN MAGADIA

RAMON BALAUAG

RANDY BUENAVENTURA

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with