^

Probinsiya

15-anyos kinasuhan ng rape sa gf, nag-suicide

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahilan sa inabot na kahihiyan, nagpatiwakal ang isang 15 anyos na binatilyo matapos itong sampahan ng kasong rape ng pamilya ng kaniyang kasintahan nang matagpuang nakabigti sa isang kubo sa gitna ng palayan sa Brgy. Calajo-an, Minglanilla, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Clarence Niadas, 2nd year high school sa Tulay National High School .

Sa ulat ng Cebu Police, bandang alas-10 ng gabi ng madiskubre ng pinsan ng biktima na si Bretty Larrobis ang pagpapatiwakal ng binatilyo sa kanilang kubo sa nasabing palayan.

Isang suicide note rin ang natagpuan sa kubo kung saan ipinaabot ng biktima ang pagmamahal nito sa kaniyang mga magulang at nagbilin pa na huwag pababayaan ang kaniyang mga kapatid.

Bago ang insidente ay labis na dinamdam umano ng binatilyo ang isinampang kasong rape ng mga magulang ng 14 anyos nitong girlfriend na itinago sa pangalang Bambi na kaklase ng biktima sa high school.

Nabatid na nagalit kamakailan ang mga magulang ng dalagita ng makitang tadtad ito ng ‘kissmark’ sa leeg.

Sa kabila umano ng pahayag ng dalagita na hindi siya hinalay ng kasintahan at hinalikan lamang ay ayaw maniwala ng mga magulang nito na kinasuhan ng rape ang biktima sa pulisya.

BAMBI

BRETTY LARROBIS

BRGY

CALAJO

CEBU

CEBU POLICE

CLARENCE NIADAS

DAHILAN

ISANG

TULAY NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with