Holdap: Salesman dedo

BULACAN, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 20-anyos na salesman habang nasa kritikal ang kasamang babae nito kaugnay sa naganap na holdapan sa Barangay Cavario, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Namatay sa ospital dahil sa saksak sa dibdib ang biktimang si Armando Cruz ng Brgy. Dalandanan, Valenzuela City habang agaw-buhay naman si Ma. Francia Castañeda, 21, ng Northville 3,Brgy.Bayugo. Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote naman ang isa sa mga suspek na si Michael Natural, 40, ng Brgy. Punturin, Valenzuela City habang tugis naman ang dalawa pang suspek na sina Julius Esperas at isang alyas Nognog. Base sa ulat ni P/Supt. Hector Samar, naglalakad ang dalawa nang harangin at holdapin ng mga suspek kung saan pumalag si Cruz kaya tinodas.

Show comments