10 tulak-droga arestado
BULACAN, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 10-katao na sinasabing sangkot sa pagbebenta ng bawal na droga matapos maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa magkakahiwalay na drug bust operation sa lalawigan ng Bulacan.
Base sa ulat ni P/Chief Insp. Randy Korret na isinumite kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr, nasakote sa drug bust operation sina Jojo Gatchalian, Rene “Boy” Quiritan at Randy Nacional sa Barangay Bancal, Meycauayan City.
Nadakma naman ng mga tauhan ni P/Supt. Gerardo Andaya ang mag-asawang Mary Culianan at Albert Culianan sa bisinidad ng Constantino Subd. sa Barangay Poblacion 2, Marilao, Bulacan.
Maging ang mga suspek na sina Dennis De Jesus at Eugene Calalang ay nadakma ng mga tauhan ni P/Supt. Lailene Amparo sa inilatag na operasyon sa Barangay Tabang, Guiguinto.
Inaresto naman ng mga tauhan ni P/Supt. Diosdado Iniego ang mga suspek na sina Roberto Layug, Jerry Nicolas at Dante Nicolas sa loob ng bahay sa Barangay Caingin, Bocaue, Bulacan.
Nasamsam sa 10-suspek ang 21 plastic sachet na shabu, mga drug paraphernalia at mark money na ginamit sa entrapment operation.
- Latest
- Trending