Karpintero kisay sa kuryente

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines  – Isang karpintero ang iniulat na nasawi matapos makuryente sa bubong ng bahay sa Lorenville Subdivision, Barangay Mabini Extension sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Bi­yernes ng umaga. Napuruhan ng kamalasan ng Friday the 13th ang biktimang si Elmer Mateo, binata, ng Barangay Langla sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija. Nabatid sa imbestigasyon na dakong alas-10 ng umaga habang kinukumpuni ng biktima ang bahagi ng bubong sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Eslao nang dumikit ang hinahawakan nitong metal paring sa high tension na kable ng kuryente. Agad na isinugod sa Wesleyan University Philippines General Hospital and Cardiovascular Center ang biktima ngunit idineklarang patay.

Show comments