Agrarian reform officer nag-suicide
CAMP SIMEON OLA , Legazpi City ,Philippines – Dahilan sa matinding problema, winakasan ng isang opisyal ng Municipal Agrarian Reform Office (MARO) ang kaniyang buhay matapos itong mag-suicide sa loob ng kaniyang tanggapan sa Brgy. Baranghawon, Tabaco City, kamakalawa.
Wala ng buhay ng madatnan ng kaniyang mga empleyado ang biktimang si Engr. Escolastico Monilla, 56, may asawa, Mun. Agrarian Reform Office ng bayan ng Tiwi, na ang opisina ay matatagpuan sa Tabaco City at residente ng Ligao City.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-8 ng umaga ng madiskubre ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa loob ng tanggapan nito at hawak pa sa kamay ang cal 9mm na ipinutok nito sa kaniyang ulo.
Isinailalim na sa awtopsya ang bangkay ng biktima upang alamin kung may naganap na foul play.
- Latest
- Trending