Barangay chairman nilikida

TUGUEGARAO CITY, Philippines  - Isa na namang barangay chairman ang iniulat na napatay matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Daramuangan sa bayan ng San Mateo, Isabela noong Miyerkules ng gabi. Napuruhan sa ulo at dibdib si Chairman John Co, 37, ng Barangay Marasat Pequenio. Ayon sa ulat, pauwi na ang biktimang sakay ng motorsiklo nang harangin at pagbabarilin. Si Co ay ex-officio member ng Sangguniang Bayan sa San Mateo kapalit ni Barangay Federation President Alvarado Rais na naghain ng leave of absence. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa negosyo ng biktima na buy and sell ng mga segunda manong sasakyan. 

Show comments