Eroplano nag-crash ­sa dagat

ZAMBALES, Philippines – Dala­wa-katao ang nakaligtas sa pagsalubong ni kamatayan matapos mag-crash landing ang 2-seater plane sa karag­atang sakop ng Barangay Bangantalinga sa bayan ng Iba, Zambales kahapon ng umaga. Kinilala ang mga sugatang nakaligtas na sina Kalid Fageehi, Yemen national at Capt. Reynaldo Limpat Obeña, 38, ng Be­tter Living Subd. Parañaque City. Lumilitaw na patu­ngong sa home-base sa Fly Fast School sa bayan ng Lingayen, Pangasinan mula sa Subic nang magkaaberya ang oil pre­ssure ng makina ng eroplano (RP-C2843 Cessna-152-II). Tinangka ng piloto na mag-landing sa Iba Airport subalit inilapag nito sa tubig-dagat na may lalim na 7-talampakan. ­

Show comments