^

Probinsiya

Magsasaka itinumba sa loob ng bahay

- Ni Tina Timbang -

CAVITE , Philippines – Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang bahay, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Aguado, Trece Martirez City, Cavite.

Sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. John Bulalacao ang biktima ay nakilalang si Eldefonzo Evangelista, 65 at nakatira sa nabanggit na lugar.

Batay sa ulat, dakong alas- 4:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente habang ang biktima ay natutulog sa loob ng kanyang bahay ng katukin ng suspect.

Pagbukas ng pinto ay sumalubong dito ang mga bala ng pinakawalan ng suspect.

Isinugod sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktima subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.

vuukle comment

AGUADO

BATAY

BRGY

CAVITE

CAVITE PROVINCIAL DIRECTOR SR. SUPT

ELDEFONZO EVANGELISTA

GENERAL EMILIO AGUINALDO MEMORIAL HOSPITAL

ISINUGOD

JOHN BULALACAO

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with