Brgy. chairman patay sa 'kuliglig'

TUGUEGARAO CITY , Philippines  – Patay ang isang 51- anyos na barangay chairman matapos tumbukin ng kanyang motorsiklo ang sinusundang kuliglig trailer na malubhang ikinasugat naman ng sakay nito sa national highway ng Brgy. Cubag sa bayan ng Cabagan, Isabela kagabi.

Dead on the spot si Willy Acebedo, residente at chairman ng Brgy. Simanu Norte ng nasabing bayan.

Malubhang nasugatan at isinugod sa pagamutan si Antonio Pagulayan na nakasakay naman sa likod ng trailer na minamaneho ni Domer Catagatan, 59.

Kawalan ng reflectorized sticker sa likuran ng naturang kuliglig ang itinuturong dahilan kung bakit hindi nakita ng rumaragasang biktima ang sinusundan nito sa kahabaan ng national highway.

Agad na inaresto ng mga pulis ang driver ng kuliglig.

Show comments