6 tulak-droga arestado

BULACAN, Philippines – Anim-katao ang bumagsak sa rehas na bakal matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa bisinidad ng Barangay Banga 2nd sa bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Pormal namang pinakasuhan ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Mary Jo “Majo” Espiritu, 29; Lazaro “Larry” Yuson, 53; Rosendo Castillo, 43; Romilyn Santos, 30; pawang nakatira sa Barangay Banga 2nd; Reynaldo Pemintel, 31, ng Barangay Parulan; at si Kate Tolentino, 31, ng 10th.Ave., Caloocan City. Narekober sa mga suspek ang limang plastic sachet ng shabu, mark money na ginamit sa operasyon at ilang drug paraphernalias.

Show comments