Mag-utol utas sa karera

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa mag-utol habang isa pa ang malubhang nasugatan na sinasabing nagkarera ng motorsiklo matapos sumemplang sa kahabaan ng highway sa Barangay Matioporon sa bayan ng Milagros, Masbate kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga nasawi na sina Luciano Godines, 23, at Jelord Godines, 13, samantala kritikal naman sa Masbate Provincial Hospital si Edjie Godines, 15 at ang drayer ng isa pang motorsiklo na si Larry Balangon Jr. ng Barangay Tawad. Sa ulat ng pulisya, nagkarera ang mga biktimang lulan ng dalawang motorsiklo kung saan kapwa sumeplang matapos mawalan ng control sa manibela.

Show comments