Trader tinodas sa auto shop

CAVITE ,Philippines   — Isa na namang negosyante ang napaslang matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Mambog 1 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Imus Medical Center si Allan Alza, 47, may asawa, ng DSM Subdivision ng nasabing bayan. Lumilitaw sa police report na nakikipag-usap ang biktima sa dalawang hindi kilalang lalaki sa harap ng kanyang auto shop nang pagbabarilin bandang alas-11:40 ng gabi. Sinisilip ng pulisya ang anggulong negosyo ng biktima sa naganap na pamamaslang.

Show comments